Mister nagbigti dahil sa kulasisi

MANILA, Philippines - Winakasan ng isang mister ang kanyang buhay matapos itong magbigti dahil sa pakikipag-away sa kanyang kulasisi kahapon ng umaga sa Navotas City.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Lungsod ng Malabon si Arturo Pascual, 45, isang mensahero at naninirahan sa Marikit St., Tanza sa nasabing lungsod.

Batay sa police report, dakong alas-6:45 ng umaga nang makitang nakabitin ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Agad na humingi ng tulong ang anak na si Justine sa mga kaanak kung saan mabilis na kinalag sa pagkakabigti at isinugod sa ospital subalit idineklarang patay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na bago ang insidente ay pinuntahan at kinompronta pa ni Pascual ang karelasyon nitong babae na hindi na nakuha ang pangalan.

Hindi naman ipina-awtopsiya ng misis nitong si Gracia ang bangkay ng kanyang mister matapos magkabukuhan sa kinalolokohan nitong babae.

Show comments