^

Metro

Baby dinukot sa Pasig

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang ginang ang umiiyak na nagreklamo sa him­pilan ng pulisya kahapon laban sa kanyang kapitbahay na dumukot umano sa kanyang tatlong-buwang gulang na anak na babae sa Pasig City.

Base sa reklamo ni Dialen Robelo, 30, ng Hawaii St., Villa Raymundo, Pasig City, noong Mayo 6 pa kinuha ng suspek na si Lanie Francisco, 41, ang kanyang anak na si Baby Jillian at hanggang ngayon ay hindi pa ibinabalik ang nasabing bata.

Ayon kay Robelo, madalas umanong manga­pitbahay sa kanila ang suspek, nilalaro at kinukuha ang kanyang anak na noong una ay agad namang ibinabalik kaya nagtiwala siya rito at naging panatag ang kanyang loob. Pero noong huling kunin ang bata ganap na alas-10 ng umaga noong Mayo 6 at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang suspek dala ang bata.

Ayon kay SPO4 Digna Cas, hepe ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Pasig City police, pasok sa kasong kidnapping ang suspek na ‘subject’ ngayon sa isinasagawang manhunt operation ng pulisya.    

vuukle comment

AYON

BABY JILLIAN

DIALEN ROBELO

DIGNA CAS

HAWAII ST.

LANIE FRANCISCO

PASIG CITY

PROTECTION DESK

VILLA RAYMUNDO

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with