^

Metro

Pumatay ng kapwa driver, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nadakip na kahapon ng mga tauhan ng Manila Police­ ang isang jeepney driver na bumaril at naka­patay sa kapwa niya driver sa Taft Avenue, kamakalawa ng hapon. Natunton sa kanyang pinagkutaan sa Teresa, Rizal ang suspect na si Allan Bernales, 26, dakong alas-9 ng umaga.

Nabaril at napatay nito ang kapwa niya jeepney driver na si Jerick Saraoso,19, ng Sandico St.,Tondo, Maynila. Sinabi ng suspect na tatlong beses na siyang kinursunada ng biktima. Noong Oktubre 2010 nang bigla umano siyang sapakin ng biktima sa pilahan ng jeep, sa tapat ng simbahan sa Binondo, Maynila. Nasundan ng panununtok at huli noong Huwebes lamang nang sundutin umano siya ng bakal na tubo ng biktima sa tagiliran.

Sa sobrang pagkapikon umano niya ay umuwi siya ng tinutuluyang bahay at kumuha ng sumpak hanggang sa makita niya sa kalye ang biktima. Doon nagsimula ang habulan ng kanilang dyip at nang sumapit sa Taft Avenue ay doon na sila nagpang-abot. Inihahanda na ang kasong homicide laban sa suspect.   

vuukle comment

ALLAN BERNALES

BINONDO

HUWEBES

INIHAHANDA

JERICK SARAOSO

MANILA POLICE

MAYNILA

NOONG OKTUBRE

SANDICO ST.

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with