Fetus kuha sa drainage
May 13, 2011 | 12:00am
Manila, Philippines - Hinihinalang ipina-abort ang isang tinatayang 4-na-buwang fetus na lalaki na natagpuan sa isang drainage sa Parola Compound Tondo, Maynila. Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang matagpuan ang fetus sa loob ng isang drainage sa may Gate 20, Parola Compound Tondo. Walang anumang balot o sapin ang fetus na sariwa pa ang dugong nakakapit sa katawan nito. Walang nakuhang impormasyon ang imbestigador kung sino ang nagtapon ng nasabing fetus. Inilagak na lamang ito sa St. Patrick Funeral.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am