^

Metro

QCPD may bagong hepe

- Ricky ­Tulipat -

Manila, Philippines - Hinirang na bilang bagong director ng Quezon City Police District si Chief Superindent George Regis kahapon matapos ang ilang buwang paghihintay simula nang lumutang ang pa­ngalan nitong bilang hahalili kay Chief Supt. Benjardi Mantele.

Sa turn-over ceremony kahapon na sinaksihan at pina­ngunahan ni Chief Supt. Allan Purisima, NCRPO di­rector at mga opisyales at miyembro ng QCPD, personal na ipinagkaloob kay Regis ang ceremonial flag bilang bagong director ng naturang distrito.

Sa kanyang talumpati, nangako ang bagong director na bibigyan niya ng bagong mukha ang hanay ng pulisya sa lungsod, dagdag pa ang mahusay na pamamalakad na ipapatupad sa bawat miyembro nito lalo na ang peace and order situation.

Samantala, si dating district director Chief Superintendent Benjardi Mantele ay itinalaga naman sa ibang posisyon sa Min­danao bilang deputy director for administration habang si Senior Superintendent Arrazad Subong naman ay pumosisyon bilang officer-in-charge ng QCPD noong April 8.

Nabatid na si Regis ay bumalik sa QCPD, kung saan itinalaga siya sa ilang posisyon mula 1990 hanggang 2000. Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy Class 1980.

ALLAN PURISIMA

BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPERINDENT GEORGE REGIS

CHIEF SUPERINTENDENT BENJARDI MANTELE

CHIEF SUPT

HINIRANG

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY CLASS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REGIS

SENIOR SUPERINTENDENT ARRAZAD SUBONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with