^

Metro

19-anyos utas sa kapwa driver

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na lalaki nang barilin ng sumpak ng kapwa driver ng pampasaherong dyip matapos ang mahabang habulan at suntukan mula sa Divisoria hanggang sa Taft Avenue, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa sketchy report, isang Jerick Saraoso ang nasawi, ng St. James St. cor. Kagitingan, Tondo na nagmamaneho ng TWL-709, habang inaalam pa ang pagkikilanlan sa suspect na mabilis tumakas sakay ng minamanehong jeep na TWR-785. Kapwa may rutang Divisoria ang biktima at suspect.

Dakong alas-3:10 nang maganap ang pamamaril sa Taft Avenue, malapit sa panulukan ng Ayala Boulevard, Ermita.

Nabatid mula sa nagpakilalang ama ng biktima na mula pa umano sa Divisoria nang magtagpo ang dalawang driver na may matagal nang alitan. Nagkaroon ng habulan ng kanilang mga dyip na parehong walang pasahero at nang mag-abot sa Taft Avenue dahil sa ‘red light’ ay kapwa bumaba at nagsuntukan.

Maya-maya ay nagtungo sa kanyang dyip ang suspect at binalikan ang biktima at agad na pinaputukan umano ng sumpak na naging sanhi ng kamatayan nito.

vuukle comment

AYALA BOULEVARD

DAKONG

DIVISORIA

ERMITA

JERICK SARAOSO

KAGITINGAN

KAPWA

MAYNILA

ST. JAMES ST.

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with