Manila, Philippines - Kilala na ang lalaking natagpuang patay habang nakaupo sa wheelchair sa Malabon City.
Positibong kinilala ni Angelita Veron, ang biktima na kanyang anak na si Diego Viron, 31, factory worker ng Santa Cruz Bukid, Santa Maria, Bulacan.
Sa report, dakong ala-1 ng hapon kamakailan nang matagpuan ng isang Roderick Patawi ang biktima na nakaupo sa isang wheelchair sa isang bakanteng lote sa MacArthur Highway, Brgy. Potrero, Malabon City.
Nang lapitan ay napansin na hindi na gumagalaw ang biktima na naging dahilan upang itawag niya ito sa pulis. Wala namang nakitang sugat sa katawan ang biktima kung saan inaalam pa ang ikinamatay nito.
Inaalam na rin ng mga pulis kung sino ang nag-iwan sa bangkay ng biktima habang sinabi naman ni Angelita na walang sakit ang kanyang anak.