Pipi't bingi balak i-hire ng NBI
MANILA, Philippines - Plano ng National Bureau of Investigation (NBI) na mag-hire ng mga empleyadong pipi at bingi sa paniniwalang mapagkakatiwalaan ang mga tulad nila at halos walang nabibilanggo na kauri nila.
Gayunman, pinag-aara lan pa ng NBI kung maari itong gawin dahil sa balakid o may umiiral na Executive Order 366 o Government Rationalization Program, na may probisyon na nagbabawal sa ‘hiring of additional personnel’.
Sinabi ni NBI director Magtanggol Gatdula maayos ang serbisyo ng mga pipi’t bingi sa 45-araw nila sa data processing training sa NBI ng mga estudyante ng De La Salle – College of Saint Benilde School of Deaf Education and Applied Studies (DLS-CSB SDEAS).
Nabatid na lumagda ang NBI at DLS-CSB SDEAS sa Memorandum of Understanding sa Angelo King Center, CSB Hotel noong Martes para sa pagbibigay ng training opportunities sa mga pipi at bingi na estudyante na makakatulong naman umano sa NBI bilang work force.
Sa pahayag naman ni NBI Cyberspace Security head, retired Air Force Col. Danny Crisologo, mas mapapababa ang korapsiyon dahil bago makumbinsi umano ang mga bingi, kailangang mag-aral muna ng sign language ang kakausap dito at bihira umano sa pipi’t bingi ang makikita mong nakakulong o may nagawang krimen.
- Latest
- Trending