^

Metro

13-anyos na basurero, utas sa pulis

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Itinuturo ang isang mi­­yembro ng Makati City Police na siyang namaril at nakapatay sa isang 13-anyos na totoy na ma­ngangalakal ng ba­sura, kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib ang   biktima na nakilalang si Christian Serrano, ng   Ka­layaan Avenue, ng naturang lungsod. Nagawa pa itong maisugod sa Ospital ng Makati ngunit hindi na rin umabot ng buhay.

Sa ulat ng Makati Police-Homicide Section, naganap ang insidente da­kong alas-2:50 kama­kalawa ng hapon sa loob ng isang abandonadong gusali sa kanto ng Bagtikan at Kamagong Sts., Brgy. Sta. Cruz.

Kasama ng biktima ang mga kaibigang sina Erwin Requiama at Ricky Hongko na naghahanap ng makakalakal na bakal nang huminto sa tapat nila ang isang patrol car ng Makati police.

Nang sitahin, nagkanya-kanyang takbuhan umano ang grupo ng biktima kung saan nagpaputok ang isa sa mga pulis. Dito na biglang bu­magsak si Serrano nang tamaan ng bala ngunit sa halip na tulu­ngan ay inabandona ito ng umano’y mga pulis at hinayaan ang mga kasamahang menor-de-edad ang magsugod sa biktima sa pagamutan na umabot ng ilang oras.

Tiniyak naman nina Requiama at Hongko na makikilala nilang muli ang mga pulis sa oras na muli nilang makaharap ang mga ito.

BRGY

CHRISTIAN SERRANO

ERWIN REQUIAMA

KAMAGONG STS

MAKATI

MAKATI CITY POLICE

MAKATI POLICE-HOMICIDE SECTION

RICKY HONGKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with