MANILA, Philippines - Magandang balita para sa mga kawani ng Navotas City Hall dahil maaga nilang matatanggap ang kanilang mid year bonus bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ito ang inanunsiyo ni Navotas Mayor John Rey Tiangco sa may 1,240 kawani ng naturang tanggapan.
“We want to help our city hall employees to avoid the school opening rush and to cope with the expected increase in the prices of school supplies as the school opening draw near,” ayon kay Tiangco.
Ang matatanggap na bonus ng mga empleyado ay katumbas ng kalahating buwan suweldo samantalang makukuha rin ang 50 porsiyento sa kanilang taunang bonus na ibinibigay.
Inatasan na rin ng alkalde ang Navotas City Police na paghandaan ang “Balik Eskuwela 2011” program upang mabigyan ng seguridad ang lahat ng eskwela sa buong Navotas.