^

Metro

Terorista kalat sa Metro Manila

- Nina Joy Cantos at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  Nagsisipagtago sa mga urban centers sa bansa, partikular na sa Metro Manila ang mga teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., base sa patuloy na intelligence monitoring ng PNP kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang Abu Sayyaf terrorist na sina Imam Arabani Jakiran at Asdatul Sahirun, isa sa mga lider ng bandidong grupo sa magkakahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Si Jakiran, may reward na P 350,000, nagtatrabaho na bilang security guard ng Pacific Plaza tower sa Global City, Taguig ay nasakote noong Mayo 5, habang si Sahirun, gumagamit ng mga alyas na Abu Nawas/Kirih Hamid Sahirun at may patong sa ulong P3.3-M ay namataan naman sa isang mall sa Ermita, Manila kamakalawa.

Kasabay nito, inihayag ni Cruz na instant millionaire ang tipster ni Sahirun na tumanggi muna nitong tukuyin ang pangalan kaugnay ng usapin sa seguridad.

Sinabi pa nito na mada­ling makapagtago ang mga ito sa Metro Manila dahilan maraming kamag-anak dito ang naturang mga lokal na terorista na kumukupkop sa kanila kapag mainit ang operasyon ng security forces sa Mindanao.

Samantala, muli ring na­nawagan sa publiko ang PNP na maging vigilante at ireport kaagad sa mga awtoridad ang mga kahina-hinalang kilos ng hindi kilalang mga indibidwal sa mga matataong lugar upang masupil ang pag­hahasik ng terorismo.

Sa panig naman ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, sinabi nito na walang dapat ipag-panic ang publiko sa pagkakaaresto ng dalawang Abu Sayyaf sa Metro Manila dahilan kontrolado ng mga awtoridad ang usapin ng seguridad.

ABU NAWAS

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AGRIMERO CRUZ JR.

ASDATUL SAHIRUN

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

GLOBAL CITY

IMAM ARABANI JAKIRAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with