^

Metro

Job, trade fairs at 50 percent discount sa sine sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines -  Bukod sa mga sociocivic activities na jobs at trade fairs na handog ni QC Mayor Herbert Bau­tista, bibiyayaan pa ng 50 percent discount ang mga taga QC sa ticket sa mga sinehan sa unang screening sa okasyon ng ika-43 kaarawan ng Alkalde sa May 12.

Upang maka-avail ng special treat, ang movie goers ay dapat magpakita ng balidong identification cards na nagpapatunay na residente ng QC.

Ang mga sinehan na magbibigay diskuwento sa mga binebentang ti­cket­ ay ang kasapi ng Na­tional Cinema Association of the Philippines (NCAP) sa Quezon City kabilang ang SM mall chain (Fairview, Centerpoint, North and Cubao), Trinoma, East­wood, Gateway, Ali Mall, Waltermart at Robinson’s Fairview.

Gayunpaman, nilinaw ng NCAP na ang diskuwento ay para sa regular 35 movies at hindi ka­sama ang pelikulang ipi­­nalalabas sa IMAX thea­ters at 3D movies.

Ang jobs fair naman sa okasyon ay gagawin sa pamamahala ng City Public Employment Services Office sa pamumuno ni Carlo Magno Abella kung saan gaganapin ito sa May 10 sa QC Hall Plaza mula alas-8:00 ng umaga­ hanggang alas-4:00 ng hapon.

Magkakaroon din ng libreng medical at wellness services sa mga em­pleyado ng city hall tulad ng cataract screening, colon consultation check up, blood pressure, body mass index, posture ana­lysis at minor consultations.

ALI MALL

CARLO MAGNO ABELLA

CINEMA ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CITY PUBLIC EMPLOYMENT SERVICES O

FAIRVIEW

HALL PLAZA

MAYOR HERBERT

NORTH AND CUBAO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with