^

Metro

Probe vs scam sa illegal stickers sa PUJ

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni  Manila Information Bureau  chief at  chief of staff Ric de Guzman ang nalantad na multi-milyong modus ope­randi ng ilang tiwaling opisyal ng pulisya kaugnay ng mga sticker na idinidikit sa mga pampasaherong jeep na rumuruta sa  Maynila.

Ito’y makaraang mabunyag sa isinagawang on-the-spot operation ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) at ng hepe nito na si Joey Arriza na ang mga pampasaherong jeep  na  tumatakbo sa kahabaan ng Abad Santos,  Avenida, Recto, Divisoria at Magsaysay Blvd. ay may iba’t ibang hugis at kulay na sticker na nagkakahalaga ng P10 bawat isa.

Ang nasabing stickers ay may iba’t ibang hugis na letra, prutas o simpleng tatsulok o square lamang. Tinatayang kumikita ang mga operator ng iligal na gawain ng hindi bababa sa P6 milyon sa isang buwan.

Ayon sa mga driver na sina Ricardo Nolasca at Florencio Fajardo, ng MCU-Divisoria, ang stickers ay binibigay sa kanila ng mga vendor. Binanggit din ang mga lugar na Pasay, Taft, Antonio Rivera, at Divisoria kung saan umano ipinamamahagi ang nasabing mga stickers.

Idinidikit umano ito sa harapan ng sasakyan upang magsilbing proteksyon laban sa anumang huli, kabilang na ang paglabag sa smoke-belching.

Ayon sa pahayag ng isa pang drayber, na tumangging magpabanggit ng pangalan, ng sinita ito ng ASBU, ang tatsulok o square stickers na may butas sa gitna ay proteksyon umano sa pag­labag sa batas ukol sa smoke-belching.

Sa rekord ng mga dyip­ning bumibiyahe sa Maynila, tinatayang umaabot ito mula sa 10,000 hanggang 20,000 araw-araw.

Ang pagsisiyasat na iniutos ni De Guzman ay upang mapag-alaman kung sino ang utak ng modus operandi at upang masampahan ito ng kaukulang kaso.

ABAD SANTOS

ANTI-SMOKE BELCHING UNIT

ANTONIO RIVERA

AYON

DE GUZMAN

DIVISORIA

FLORENCIO FAJARDO

JOEY ARRIZA

MAGSAYSAY BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with