Taxi salpok sa concrete barrier dahil sa antuking driver

MANILA, Philippines - Apat katao ang sugatan makaraang sumalpok ang sina­sakyan nilang taxi sa concrete barrier dahil sa umano’y inaantok nitong driver sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

“Inaantok na kasi ako, sir kaya hindi ko na alam ang pangyayari” ito ang katwiran ng driver na si Roberto Licame, 27 ,na nakatulog habang minamaneho ang Sturdy Taxi (TXN-221) kung kaya’t nabangga nito ang limang concrete barriers ng MMDA sa kahabaan ng EDSA corner 11th Jamboree St. sa nasabing lungsod.

Dahil dito, sugatan ang mga pasahero niyang sina Quirino Eleuterio, 48, Jerson Romano, 42, Marie Leyva, 10, Dana Hermogenes, 14 na pawang ginagamot sa East Avenue Medical Center.

Dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar. Nadale rin ng taxi ang isang Mitsubishi Strada na minamaneho naman ni Benedict Bo­ngolan.   

Show comments