^

Metro

6 Nigerian arestado

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Anim na Nigerian nationals na pinaniniwalaang ilegal na pumasok sa bansa ang nasa kustodiya ngayon ng mga awtoridad matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at ahente ng Bureau of Immigration ang dalawang lugar na tinitirhan ng mga ito sa Las Pinas City kahapon ng umaga.

Unang sinalakay ang Gatchalian Subdivision sa Manuyo Dos dakong alas-5:00 ng umaga at isinunod ang BF Resort Village kung saan inimbitahan ang nabanggit na mga dayuhan.

Kinilala ang mga nadakip na sina Edmond Chijioke 29; Victor Dhijioke Edeh, 31; Lazaus Echezona Nwagu, 24; George Vlayee 33; Michael Uchenha Acusih, 35; at Yahaya Zinentah, 36.

Ayon sa pulisya nakabase sa isang mission order sa ilalim ng EO No. 287 na inilabas ng Department of Justice ang ginawang pagsalakay sa nabanggit na mga lugar na tinitirhan ng mga Nigerian national matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa pananatili ng naturang mga dayuhan na walang kaukulang dokumento.   

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDMOND CHIJIOKE

GATCHALIAN SUBDIVISION

GEORGE VLAYEE

LAS PINAS CITY

LAZAUS ECHEZONA NWAGU

MANUYO DOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with