P100,000 reward vs kidnaper ng sanggol
MANILA, Philippines - Nagpalabas ng P100,000 reward si Acting Manila Mayor Isko Moreno laban sa dumukot sa bagong panganak na sanggol sa loob mismo ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC) kasabay ng pagtukoy sa suspect. Ayon kay Moreno, ang naturang reward money ay upang mapabilis ang pagdakip sa suspect.
Nabatid na nagsasagawa din ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa umano’y kakaibang kilos ng mga magulang ng sanggol matapos na madiskubreng nawala ang bata.
Batay sa report ng administrative officer na si Dr. Malaya Capulong, nadiskubreng nawawala ang sanggol dakong ala-1:30 ng hapon noong Biyernes.
Sinasabing dinala umano ang bata ng isang nakaunipormeng nurse para timbangin. Nagtataka lamang sila kung bakit hindi inireport ng magulang ang pagkawala ng kanilang sanggol na tumagal ng 12 oras.
Giit naman ni OSMA director, Dr. Janet Tan na hindi man lamang kinakitaan ng pagkabahala o pag-panic ang ina ng sanggol.
- Latest
- Trending