130 dengue cases naitala sa Mandaluyong
MANILA, Philippines - Umaabot sa 130 kaso ng sakit na dengue ang naitala sa Mandaluyong City sa loob ng unang quarter ng taong kasalukuyan. Ayon kay Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, mas mababa ang nasabing bilang kumpara noong nakalipas na taon. Anang Alkalde, sa lahat ng bayan at lungsod sa Metro Manila ay lumilitaw na mas mababa ang naitalang dengue cases sa Mandaluyong. Sinabi nito na ang paglulunsad at panawagan nila sa mga residente na paggamit ng ovi traps ang dahilan kung kaya mababa ang bilang ng mga nagkaroon ng dengue sa lungsod. Bawat kapitan ng barangay ay binigyan ng Alkalde ng isang pares na ovi traps nitong Lunes para magamit at mapigil ang paglobo ng nakamamatay na sakit mula sa kagat ng lamok.
- Latest
- Trending