^

Metro

Trader nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Goodbye, aalis na ako, malayo pa ang lalakbayin ko, Happy trip to me.”

Ito ang huling paalam sa text messages ng negos­yanteng si Paciano Agosto, sa kanyang girlfriend makaraang magbigti sa loob ng kanyang bahay sa lungsod Quezon.

Si Agosto, 44, ay natagpuan ng kanyang girlfriend na si Beth Ordoñez, habang nakabitin sa may gabilya ng kanyang tahanan na matatagpuan sa no. 813 Aurora Blvd., Brgy. Immaculate Concepcion sa lungsod ganap na alas-3 ng hapon.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, natuklasan ni Ordoñez ang bangkay ng biktima nang puntahan niya ito sa kanyang bahay.

Ilang ulit siyang kumatok sa pinto ng bahay ng boyfriend pero walang sumasagot, kaya sumilip na lang siya sa bintana kung saan nakita niya ang biktima na nakabitin.

Agad na humingi ng saklolo si Ordoñez sa barangay na agad na rumesponde at puwersahang binuksan ang pintuan ng bahay ng biktima.

Sinabi pa ni Ordoñez, Bi­yernes ng matanggap niya ang nasabing mensahe ng pamamaalam ng biktima sa kanya.

Hindi naman tinukoy kung ano ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapatiwakal, pero pinalalagay na personal na problema ang ugat ng kanyang ginawa. 

AURORA BLVD

BETH ORDO

BRGY

GREG MARAMAG

ILANG

IMMACULATE CONCEPCION

KANYANG

PACIANO AGOSTO

SI AGOSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with