^

Metro

Stage performer todas sa holdap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang lalaking stage performer na hinihinalang bik­tima rin ng panghoholdap ng hindi pa nakikilalang salarin matapos na madiskubre ang bangkay nito, kahapon ng mada­ling- araw sa Malabon City.

Tama ng saksak sa likod at dibdib ang ikinasawi ng biktimang si Frederick Sardido, 33, ng B4  Kadima, Letre, Brgy. Ton­suya, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Malabon police, dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang residente ang bangkay ng biktima sa madilim na eskinita sa may B4 Kadima, Letre. 

Sinabi ni Reggie dela Cruz na naglalakad siya nang makita ang naka­lugmok na biktima ngunit wala naman siyang na­ki­tang ibang tao na ma­aaring may kagagawan ng krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon naman ng pulisya, nabatid na nawawala ang mga personal na gamit ng biktima katulad ng wallet at pera, cellphone, at maging ang make-up nito na gamit sa kanyang trabaho.

Kagagaling lamang umano sa isang “perfor­mance” ng biktima at papauwi na ng kanyang bahay nang maganap ang krimen. Nagsasagawa pa rin ng follow-up investigation ang pulisya sa krimen.

BRGY

CRUZ

FREDERICK SARDIDO

KADIMA

KAGAGALING

LETRE

MALABON

MALABON CITY

NAGSASAGAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with