^

Metro

Binata tinarakan ng bayaw

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang lalaki ma­tapos na saksakin ng kanyang bayaw dahil lamang umano sa pagmamalasakit sa kanyang isang taong gulang na pamang­kin sa Pasig City, Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktima na si Alvin Baldovino, 23, ng Morning Valley, Nagpa­yong, Brgy. Pi­nagbuhatan, Pasig City. Si Bal­dovino ay ka­salukuyang nila­lapatan ng lunas sa Pasig City General Hospital bunsod ng tinamong saksak sa kaliwang tagiliran. Tinutugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Manny Macunli, 40, na residente rin ng Morning Valley. Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi nitong Huwebes nang ma­kita umano ng biktima na pinahihiga ng kanyang bayaw sa semento ang umano’y isang taon gulang nitong anak, na pa­mangkin din ng biktima. Sina­sabing posib­leng minasama ng suspek ang ginawa ng bik­timang pagmamalasakit sa bata kaya’t nagkaroon ng mainitang pagta­talo sa pagitan ng mga ito, na na­uwi sa pananaksak.

vuukle comment

ALVIN BALDOVINO

BRGY

CITY GENERAL HOSPITAL

HUWEBES

KINILALA

MANNY MACUNLI

MORNING VALLEY

PASIG CITY

SHY

SI BAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with