^

Metro

P20-M puslit na ceramics, nasamsam

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dahil sa kahina-hinalang timbang ng limang container van, nabisto ng Bureau of Customs (BOC) ang ipinuslit na P20-milyong halaga ng ceramic tiles, floor coverings, iba pang accessories at moulding machine na idineklara lamang na imported ‘ukay-ukay’ mula sa bansang China.

Kahapon ay agad na ring inutos ni Customs Commissioner Angelito Alvarez na kumpiskahin ang nasabing shipment pabor sa gobyerno, alinsunod sa isinasaad ng Tariff and Customs Code na maaaring kunin ng pamahalaan ang undervalued goods na hihigit sa 30 porsyento kumpara sa idineklarang halaga.

Nabatid sa ulat ni Customs Deputy Commissioner for Enforcement Horacio Suansing na ang idineklara lamang ng Goldware Marketing ay imported ‘ukay-ukay’ ang kargamento na tumitimbang ng 52,552 kilos subalit nang suriin ay nasa 138,610 kilos ito. Idineklarang ang halaga lamang ng shipment ay P3.8 milyon subalit nang suriin ay nakitang may halaga ito na P10.3 milyon.

Maliban sa ceramic tiles ay nadiskubre rin ang plastic in­jection moulding machine na undervalued ng 1,000 porsyento na inilulusot naman umano ng consignee na Columbia Plastic Manufacturing na idineklarang P720-libo lamang ang halaga sa kabila ng pagkumpirma naman ng Federation of Philippine Industry (FPI) na umaabot ang halaga sa P10-milyon.      

Bukod pa sa panloloko sa timbang, natuklasan din na ang halaga ng ceramic tiles at iba pang kasama nito ay nasa kabuuang mahigit P20-milyon.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

COLUMBIA PLASTIC MANUFACTURING

CUSTOMS COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER

ENFORCEMENT HORACIO SUANSING

FEDERATION OF PHILIPPINE INDUSTRY

GOLDWARE MARKETING

HALAGA

TARIFF AND CUSTOMS CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with