^

Metro

Parak 'tinalo' ng carnappers

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isa sa 75 miyembro ng iti­­nalagang tourist-oriented police for community order and pro­tection (TOP-COP) ang na­biktima ng carnapping, sa loob ng Rizal Park sa Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa reklamong inihain ni PO1 Edward Gamotea sa MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Section, nawala ang kanyang Honda XRM (5512-TT) na kulay puti na ipinarada niya sa Rizal Park habang siya ay dumadalo sa tourism awareness se­minar ng TOP COP, sa loob ng Depart­ment of Tourism (DOT) dakong ala-1:30 ng hapon.

Matatandaang ikinagalit ni Pangulong Noynoy Aquino ang kawalan ng pulis nang mag-ikot siya sa tourist belt, partikular sa Luneta Park noong Lunes Santo kaya’t sinibak ang hepe ng PCP-Luneta na si C/Insp. Efren Pangan at pinalitan ni C/Insp. Randy Maqluyo.

Kasunod nito, nagtalaga ng kabuuang 75 tourist police sa Rizal Park na nagmula sa MPD Headquarters, MPD Station 5   at Station 9 para magbigay ng sapat na seguridad at impormasyon para sa mga local at foreign tourists.

Kahapon ang ikalawang araw ng seminar ng TOP COP, kung saan kabilang si PO1 Ga­motea sa 2nd Batch na dumalo sa seminar na dito nadale ang kanyang hinuhulugang­ motorsiklo.

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING SECTION

EDWARD GAMOTEA

EFREN

LUNES SANTO

LUNETA PARK

NOYNOY AQUINO

RANDY MAQLUYO

RIZAL PARK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with