Salvage victim natagpuan
Manila, Philippines - May dalawang saksak sa tiyan, markado ng lubid o hinihinalang sinakal sa leeg bago itinapon ang isang hindi kilalang lalaki na nakasuot lamang ng brief sa panulukan ng kalye Yuseco at N. Hizon, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa ulat, posibleng ang biktima ay sa ibang lugar pinatay bago itinapon sa nasabing lugar. Matatandaang ang naturang lugar ang madalas ireklamo ng publiko dahil sa dami ng mga nag-aabang na holdaper at snatcher kaya posibleng isang grupo ng vigilante ang nagpapahiwatig ng banta laban sa mga masasamang elemento. Inilarawan lamang ang biktima sa edad na 30 hanggang 35; may taas na 5’6 talampakan, katamtaman ang pangangatawan, may tattoo sa likod na “Tong” at kulay grey na brief.
- Latest
- Trending