Manila, Philippines - Tiniyak ni MPD director C/Supt. Roberto Rongavilla na kasado na ang planong pagpapakalat ng may 3,000 pulis at augmentation force mula sa NCRPO para sa seguridad at mangangasiwa ng peace and order sa pagdiriwang ng Labor Day sa Mayo 1.
Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdagsa ng militante at labor groups sa Mendiola, Liwasang Bonifacio at Plaza Miranda, kung saan magsasagawa ng kani-kanilang programa ang tinatayang may 10-libong miyembro ng militanteng grupo na kakalampag sa gobyerno para sa kahilingang P125 across the board increase ng mga manggagawa at paglusaw sa oil deregulation law na nagpapahirap pa lalo sa mga mahihirap na manggagawa.
Magpapatupad ng maximum tolerance ang mga raliyista na inaasahang magsisimula ng pagkilos dakong alas-7 ng umaga.