Sekyu kritikal sa boga

Manila, Philippines - Isang sekyu ang nasugatan nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay umaalalay sa ginigibang bahay sa binabantayang lupa sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa FEU hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang siko at kaliwang tuhod ang biktimang si Michael Tome, 36, ng San Jose Del Monte, Bulacan. Sa report ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw, nagbabantay ang biktima kasama ang iba pang guwardiya sa Pangarap Village nang lapitan ng isang Mr. Cañete at hingan ng tulong upang alalayan sa paggiba ng bahay ng huli. Sumama naman ang biktima at habang binababa ang mga gamit ni Cañete ay sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima. Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

Show comments