Kelot itinumba sa harap ng bahay

Manila, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos na tadtarin ng bala ng isang di-nakikilalang salarin sa labas ng kanyang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Rodelio Nario, ng Kaunlaran St., Brgy. Commonwealth sa lungsod. Habang pinaghahanap pa din ng pulisya ang suspect na mabilis na tumakas makaraan ang krimen. Nangyari ang insidente sa may labas ng bahay ng biktima sa Barangay Commonwealth pasado alas-9 ng gabi nang pagbabarilin ng suspect ang biktima. Sinasabing ang biktima umano ay nagtitinda ng mga cellphone accessories kung saan ay nililigawan umano nito ang isa ring vendor na may-asawa. Magmula noon ay marami ng natatanggap na pagbabanta ang biktima mula sa asawa ng kanyang nililigawan na pinalalagay na siyang may kagagawan ng naturang krimen.

Show comments