2 gasolinahan ipinasara sa QC

Manila, Philippines - Ipinasara kahapon ng pamahalaang lungsod ng Quezon ang dalawang gaso­linahan dito dahilan sa kawalan ng business permit sa kabila ng pagsasagawa nito ng operasyon.

Ang mga naipasara ay ang gas station ng Flying V sa Mindanao Avenue at Caltex­ Station sa Brgy. Greater Lagro na naireklamo ng mga motorista dahil sa depektibo ang fuel pumps.

Ang Caltex station ay may 24 na fuel pumps na pawang depektibo at 2 iba pa na may short selling status at ang Flying V naman ay may 12 depektibong fuel pumps.

Sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na ang pag- ooperate anya na walang business permit ay isang tax fraud.

Show comments