^

Metro

Buntis natusta sa sunog

- Danilo Garcia -

Manila, Philippines - Kapwa nasawi ang isang ginang at ang sanggol nito   sa sinapupunan makaraang hindi makalabas sa nagliliyab nitong bahay, kamakalawa ng hapon sa Las Piñas City.

Hindi na halos makilala ang biktimang si Olivia Amihan, 36, nang makuha ang sunog na sunog niyang bangkay sa natupok nilang tirahan sa kanto ng Gladiola Kaliwa at Jasmine St., T.S Cruz Subdivision, Brgy. Almanza Dos.

Sa ulat ng Las Piñas Fire Department, dakong alas-3 ng hapon nang unang sumiklab ang apoy sa bahay ng biyenan ng biktima na si Felix Amihan. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa gawa lamang sa “light materials” ang may 12 kabahayan na natupok. Pasado alas-4 na ng hapon nang maapula ng mga bumbero ang naturang sunog.

Nabatid na nagawang mailabas ng tatlong buwang buntis na si Amihan ang apat niyang nakababatang mga kapatid at muling bumalik ng bahay upang isalba ang ilang mahahalagang gamit at pera. Ngunit minalas na dito na inabutan ng malaking apoy ang kanilang bahay sanhi upang maipit na ang biktima at tuluyang hindi na makalabas.

Sa paunang imbestigas­yon, posible umanong ang sala-salabat na koneksyon ng kawad ng kuryente ang dahilan ng naturang sunog. Umaabot naman sa isang mil­yong halaga ng ari-arian ang natupok sa naturang sunog.

ALMANZA DOS

AMIHAN

BRGY

FELIX AMIHAN

FIRE DEPARTMENT

GLADIOLA KALIWA

JASMINE ST.

LAS PI

OLIVIA AMIHAN

S CRUZ SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with