^

Metro

Bus at tren muntik magkabanggaan: 2 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang pasahero kabilang ang isang lola ang nasugatan makaraang tumalon sa sinasakyang pampasaherong bus na sumampa sa riles at muntik nang mabangga ng isang papa­rating na tren ng Philippine National Railways (PNR), kahapon sa Taguig City.

Nagtamo ng mga pinsala sa ulo ang mga pasaherong sina Teresita Bongavilla, 65, at Shahani Tugale, 27. 

Hawak naman ngayon ng Taguig City Police-Traffic Unit ang driver ng CEM Transport bus unit (TYK-488) na si Erwin Abarra­, 30, na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting­ to serious physical injuries.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga nang mag-iba ng daan si Abarra upang makaiwas sa masikip na trapiko sa East Service Road habang patungo ng EDSA mula FTI. Dumaan­ ito sa ilalim ng Nichols flyover ngunit naipit rin sa trapiko.

Nakasampa sa riles ang naturang bus nang tiyempong dumating­ ang tren ng PNR na patungong Tutuban station. Dahil sa takot, nagkanya-kanyang talunan sa bintana palabas ng bus ang mga sakay na pasahero ng bus upang makaiwas sa posibleng banggaan sanhi ng pagkakasugat ng mga pasahero kung saan dalawa ang nabagok ang ulo.

Nagawa namang mabigyan kaagad ng babala ng flagman na si Arnel Abayo ang operator ng train kaya’t naihinto ito kaagad bago pa man ito sumalpok sa nakahambalang na bus.   

ABARRA

ARNEL ABAYO

BUS

EAST SERVICE ROAD

ERWIN ABARRA

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

SHAHANI TUGALE

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE-TRAFFIC UNIT

TERESITA BONGAVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with