^

Metro

MMDA enforcer huli sa kotong

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Timbog ang isang 35-anyos na traffic enforcer ng MMDA sa aktong tumatanggap ng P3-libong lagay kapalit ng binaklas na plaka at lisensiya ng isang FX taxi driver sa Ramon Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon.

Dakong ala-1 ng hapon ng isagawa ang entrapment ope­ration laban kay Ricky Pitero, ng MMDA - Manila Traffic Sector at residente ng Pandacan, Maynila.

Ito’y matapos siyang pormal na ireklamo ng driver na si Anatolio Calderon Jr. na kinumpiskahan nito ng lisensiya at plaka noong Martes Santo (Abril 19) sa Roxas Boulevard. Para maibalik umano sa kanya ang lisensiya at plaka ay humihingi­ ito ng P3,000.

Dahil dito, ipinabatid ni Calderon sa pulisya ang na­sabing pangingikil kaya inilatag ang entrapment kung saan dinamba ang suspect sa aktong tinatanggap ang pera sa kanyang biktima. Inihahanda ang kaukulang kaso laban kay Pitero­.   

ABRIL

ANATOLIO CALDERON JR.

DAHIL

DAKONG

MANILA TRAFFIC SECTOR

MARTES SANTO

MAYNILA

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

RICKY PITERO

ROXAS BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with