MANILA, Philippines - Nalansag ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang illegal gambling syndicate na gumagamit ng mga menor de edad na bet collectors sa kanilang operasyon sa isinagawang raid sa Quezon City nitong Martes ng gabi.
Arestado bandang alas-8 ng gabi sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City ang 13 katao sa jueteng den.
Sinampulan naman ng administrative relief ni Pagdilao bunga ng pagkakaaresto ng mga suspect ang Commander ng Central Metro Manila Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa Quezon City na si Chief Inspector Manuel Cube kaugnay ng one strike policy ng PNP laban sa mga field commanders kontra jueteng.
Sinampulan naman ng administrative relief ni PNP-CIDG director Chief Supt. Samuel Pagdilao bunga ng pagkakaaresto sa mga suspect ang commander ng Central Metro Manila Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) sa Quezon City na si Chief Inspector Manuel Cube kaugnay ng one strike policy ng PNP sa jueteng.
Samantalang, inirekomenda rin ni Pagdilao ang pagsibak sa Police Community Precint Commander na may hurisdiksyon sa Brgy. Holy Spirit dahilan sa mahigpit na pagpapatupad ng one strike policy kontra illegal gambling.
Tinukoy ni Pagdilao ang operator at financier ng jueteng den na si Don Ramon pero nabigo itong maaresto dahilan wala ito sa lugar ng isagawa ang raid.
Nabatid na gumagamit ng mga menor de edad na bet collectors sa kanilang illegal na operasyon ang grupo upang makaiwas sa pag-aresto.