^

Metro

Toll hike ipinatupad na sa Skyway

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinatupad na kahapon ng Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC) ang bagong toll rates na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) matapos na makumpleto ang Stage 2 nito.

Binubuo ngayon ang “Integrated Skyway System” ng 16.3 kilo­metrong Buendia-Alabang elevated section at 13.5 kilometrong Magallanes-Alabang at-grade section.

Sa elevated stretch, P85 ang sisingilin sa mga class 1 vehicles mula Makati-Bicutan; P106 mula Makati-Sucat; at P147 mula Makati-Alabang. Sa “at-grade section”, sisingil ngayon ng P44 mula Magallanes o C-5 tungo sa Merville o Bicutan; P31 mula Bicutan-Sucat; at P31 mula Sucat-Alabang.

Sinabi ni Julius Corpus, tagapagsalita ng TRB, na orihinal na nakaiskedyul ang pagtataas ng toll fee nitong nakaraang Lunes ngunit ipinagpaliban ng isang araw upang hindi umano bulagain ng mas mataas na bayarin sa toll ang mga bakasyunista buhat sa mga lalawigan.

Higit na bibilis naman umano ngayon ang biyahe kung saan ang dating isang oras ay bababa na lamang ngayon ng 15 hang­gang 20 minuto dahil sa mga pagbabago.   

BICUTAN

BICUTAN-SUCAT

BINUBUO

BUENDIA-ALABANG

CITRA METRO MANILA TOLLWAYS CORPORATION

HIGIT

INTEGRATED SKYWAY SYSTEM

IPINATUPAD

JULIUS CORPUS

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with