Mister kinalasan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 63-anyos na mister na sinasabing hiniwalayan ng kanyang misis ang iniulat na nagbigti sa loob ng kanilang bahay sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Naisugod pa sa Pasig City General Hospital su­balit idineklarang patay si Virgilio Balbin, ng #11286-LPLU Nagpayong II sa Brgy. Pinagbuhatan sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni SPO3 Rodolfo Salamanca, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang misis na si Gloria, 52.

Dito na dinamdam ng biktima ang pakikipaghiwalay ng kanyang misis kaya nagdesisyong magbigti.

Nakaabot sa kaalaman ni Gloria ang naganap sa kanyang mister kaya kaagad itong bumalik at hu­mingi ng tulong upang maisugod sa paga­mutan ang biktima subalit namatay na rin.

Show comments