10-anyos ni-rape slay ng adik
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ni-rape muna saka pinaslang ang isang 10-anyos na batang babae ng hindi pa kilalang lalaki na sinasabing lulong sa bawal na droga saka itinapon sa sapa sa Valenzuela City noong Huwebes ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang bata na si Henna Mae Oxales ng F. Lucero Street sa Veinte Reales.
Sa report ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi noong Sabado (Abril 16) nang magpaalam ang biktima sa kanyang tatay na lalabas ng bahay.
Makalipas ang ilang oras ay hindi na nakauwi ang bata kaya humingi ng tulong ang mga magulang sa kinauukulan.
Huwebes ng umaga (Abril 21), nang matagpuan ang bata na walang saplot sa katawan at nakalutang sa sapa malapit sa riles ng tren sa McArthur Highway, Barangay Dalandanan sa nabanggit na lungsod.
May teorya ang pulisya na napagtripan ang bata ng mga adik sa droga na sinasabing naglipana sa nabanggit na lungsod.
- Latest
- Trending