^

Metro

Bangkay sa Marikina River hindi si Rosel - SITG Pilapil

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hindi nag-match ang finger­ prints ng halos hindi na makilalang bangkay ng isang babae na naaagnas na nang narekober sa Tumana River sa Marikina City sa nawa­walang kasamahan ng ve­teran actress na si Pilar Pilapil na dinukot at tinangkang paslangin matapos na pagsasaksakin ng dalawang hinihinalang carjacker.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Special Investi­gating Task Group Pilapil Head P/Sr. Supt. Joel Napoleon Coronel base sa resulta ng finger prints analysis na ipinalabas ng PNP-Crime Laboratory sa Camp Crame.

Ayon kay Coronel, patuloy pa rin ang kanilang pag­hahanap sa nawawalang si Rosel Jacosalem Peñas na kasamang tinangay ng mga suspect  sa loob ng behikulong kulay gold na  KIA na isang lumang modelo.

Una ng nagpalabas ng larawan ni Peñas, sister-in-law ng actress ang SITG Pilapil upang mapabilis ang pag­hahanap laban dito upang mabigyang linaw ang kaso.

Si Pilapil ay nagpapa­galing pa rin sa The Medical City sa Pasig City matapos na pagsasaksakin ng isa sa dalawang carjacker na puwersahang sumakay sa behikulo ng mga ito sa Riverbank ng Marikina City noong Marso 14 ng gabi.

Ang actress ay itinapon ng mga suspect  na armado ng patalim at icepick sa isang bakanteng lote sa Brgy. San Luis sa Antipolo City pero tangay ng mga ito sa kanilang pagtakas si Peñas.

Ayon sa opisyal, patuloy pa rin ang pangangalap nila ng mga ebidensya upang mapabilis ang pag-aresto sa mga suspect, isa rito ay natukoy na miyembro ng isang sindikatong kriminal na nag-ooperate sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Nanawagan rin ito sa publiko na mangyaring agad na ireport sa mga awtoridad sakaling makita si Rosel at ang behikulong pinagsakyan rito sakaling mapagawi sa kanilang mga lugar upang malutas ang kaso.

ANTIPOLO CITY

AYON

CAMP CRAME

CRIME LABORATORY

JOEL NAPOLEON CORONEL

MARIKINA CITY

MEDICAL CITY

METRO MANILA

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with