Trader patay sa ampon

MANILA, Philippines -  Kalaboso ang isang 38-anyos na lalaki nang barilin at mapatay nito ang kanyang ama-amahan, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City. Hindi pa rin makausap ang suspect na si Eric Castillo matapos na arestuhin ng mga security guard bunga­ ng pagpatay sa kinilala nitong ama na si Emmanuel Castillo, 61. Dead on arrival sa Asian Hospital si Castillo, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Lumabas sa imbestigasyon ng Muntinlupa police na naganap ang insidente ng pamamaslang sa loob mismo ng bahay ng mag-amain sa Unit 16 Ayala Alabang Town Homes, Acacia Avenue­, Alabang dakong alas-5:15 kama­kalawa ng hapon. Ayon sa kasambahay na si Samantha Murzo, 31, nakita­ na lamang niya ang pagtatalo ng biktima at suspect subalit hindi niya alam ang pinagmulan nito.

Show comments