^

Metro

Mukha ng mga kaskasero nasa MMDA website

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Kung isa ka sa mga kaskasero na bumibiyahe

sa Commonwealth Avenue, maaaring nakapaskil na ang larawan mo at ng sasakyan sa website ng Metropolitan Manila De­ve­lopment Authority (MMDA).

Ito’y matapos na ikabit ng MMDA sa kanilang website na www.mmda.gov.ph ang mga larawan ng mga sasakyan na nakunan nila ng larawan na tumatakbo ng higit sa ipinatutupad na 60 kph sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa Quezon City.

 Layon umano nito na tablan ng kahihiyan ang mga motoristang kaska­sero. Bukod sa larawan ng sasakyan, pampubliko man o pribado, nakalagay rin ang bilis ng itinakbo nito at oras ng bayolasyon.         

Napadalhan na umano ng “traffic violation receipts (TVR)” ang mga may-ari ng naturang mga sasakyan na kailangang bayaran agad ng mga ito ang multa upang payagang makapagreshistro.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na higit na sa 7,000 motorista ang kanilang nahuhuli sa camera na lumalabag sa “speed limit” na nagresulta na sa pagbaba umano ng aksidenteng nagaganap sa tinaguriang “killer highway” ng Metro Manila.

Bukod sa Commonwealth Ave., may plano rin ang MMDA na ipatupad ang speed limit sa iba pang kalsada sa Metro Manila kabilang ang Roxas Bou­levard sa Maynila at Pasay City at Osmena Highway sa Makati City.

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

MAKATI CITY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with