^

Metro

Obrero patay sa kaalitan

- Ni Ludy Bermudo -

Manila, Philippines - Tumagos sa dibdib ang bala nang barilin sa likod ang isang construction worker ng kanyang kaalitan, habang naglalakad sa Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw. Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital ang biktimang si Jonard M. Drio, 21, ng Malaya St., Balut, Tondo. Tinutugis na ng mga awtoridad ang itinuturong suspect na si Miguel Arambulo, alyas “Egie”, 23, ng Alfonzo St., Balut, ng nasabing lugar. Nabatid sa ulat na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa gilid ng Sea Oil gasoline station sa H. Lopez Boulevard, Balut, Tondo. Naglalakad papauwi ang biktima kasama ang isang babae at dalawang lalaking kaibigan nang makasalubong ang grupo ng suspect na sinasabing kaalitan ng una. Sinikap pa umano ng grupo ng biktima na iwasan ang grupo ng suspect subalit hinabol sila ng mga ito habang hawak ni Arambulo ang baril na pinaputok sa likod nang tumatakbo si Drio. Nang bumagsak si Drio ay nagsipulasan papatakas ang grupo ng suspect.

vuukle comment

ALFONZO ST.

ARAMBULO

DRIO

EGIE

JONARD M

LOPEZ BOULEVARD

MALAYA ST.

MIGUEL ARAMBULO

SEA OIL

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with