Tanggapan ng NFA nilooban
Manila, Philippines - Nilooban ang tanggapan ng National Food Authority (NFA) sa lungsod Quezon kahapon.
Ayon sa inisyal na ulat mula kay NFA spokesman Rex Estoperez, ang pinasok na tanggapan ay ang public affairs at human resources departments na matatagpuan sa ikatlong palapag ng kanilang tanggapan sa North Avenue, sa lungsod.
Natuklasan ang nasabing panloloob ng mga kawani ng NFA na sina Elna Misa, janitor; at Benjamin Potestades, officer-in-charge ng security guard na papasok na sana sa kanilang trabaho ganap na alas-6 ng umaga. Sinasabing nagtaka ang dalawa nang makitang nakabukas ang pintuan ng nasabing tanggapan at pagpasok nila ay saka nakita ang mga nagkalat na mga drawers na pinaglalagyan ng mga dokumento at papeles ng naturang opisina.
Ayon sa pulisya, inaalam pa nila kung ano ang mga natangay ng mga suspect sa nasabing opisina, habang ang naturang CCTV ang gagamitin nila para matukoy ang nangyaring panloloob dito.
- Latest
- Trending