^

Metro

Dalagita tumungga ng silver cleaner, patay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 14 -anyos na Indian national makaraang uminom ng silver cleaner ma­tapos na mapagalitan ng kanyang ina kaugnay sa pakikipagrelasyon nito sa kapwa niya babae sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pang buhay sa Mary Johnston Hos­pital ang biktimang si Shabangi Singh Jierh, ng Quezon St., Tondo, Maynila.

Ayon sa isinagawang im­bestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang maglason ang biktima matapos na makipagtalo ito sa kanyang magulang.

Kasunod nito, nagtungo ang biktima sa kanilang pa­likuran bitbit ang isang bote ng silver cleaner. Ikinandado ang pinto at doon ito nag­lason.

Ilang minuto ang lumipas nang katukin ito ng kanyang ina at doon na nga natuklasan ang ginawang paglalason ng dalagita, dahilan upang isugod ito sa pagamutan pero hindi na rin umabot nang buhay.

Samantala, winakasan din ng isang 31-anyos na lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili matapos ang matin­ding away ng kanyang live-in partner kamakalawa ng hapon, sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Marlon Valenzona na nagbaril sa sarili dakong alas-5:20 ng hapon. Bago ito ay nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo ang biktima at ang live-in partner nito na si Ryssa San Diego bunga ng pag-inom ng alak ng una sa kabila ng   problema sa pera. Ilang sandali ang lumipas ay nagbaril ito sa sarili gamit ang isang sumpak na kinargahan ng bala ng shotgun.

AYON

ILANG

MARLON VALENZONA

MARY JOHNSTON HOS

MAYNILA

QUEZON ST.

RYSSA SAN DIEGO

SAN ANDRES BUKID

SHABANGI SINGH JIERH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with