MM kulang ng 90 fire stations
MANILA, Philippines - Dahil sa sunod-sunod na sunog na nagaganap, inamin ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kailangan nila ang karagdagang fire stations para makatuwang sa pagsugpo sa sunog sa Metro Manila.
Ayon sa BFP, may 87 fire stations ang dapat na kailangan alinsunod sa international fire standards sa bawat lugar o komunidad na may commercial, industrial at residential na istraktura.
Sinabi ni Chief Supt. Santiago Laguna, hepe ng National Capital Region ng BFP, ang mga siyudad sa Taguig, Caloocan at Quezon ay higit na nangangailangan ng fire stations.
Base umano sa kanilang talaan, sa MM ay may kabuuang 127 fire stations sa kasalukuyan. Sabi ni Laguna ang kagawaran ay dumidipende na lang anya sa kakayahan ng local government para mabigyan sila ng lote para sa fire stations.
Sa MM ay nagtatala ng walong sunog kada araw lalo na sa squatters area. Ang mga ito anya ay madalas na atakehin ng sunog dahil na rin sa kanilang kondisyon.
- Latest
- Trending