Binata pinagtripan, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang binata nang pagtripan itong saksakin ng limang hindi kilalang kalalakihan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si John Adrian Adriano, 22, ng Sampaguita St., Almar ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa isang videoke bar sa Almar Road, ng nabanggit na siyudad.

Kainuman ng biktima ang kaibigan na si Miguel sa loob ng nabanggit na bar nang kursunadahin ito ng mga suspek na pawang mga lasing. Pinagtulungan pagsasaksakin ang biktima at saka tumakas ang mga suspek.

Show comments