Sekyu patay sa SUV

Agad na nasawi ang isang 51-anyos na security guard makaraang mabangga at magulungan ng isang rumaragasang SUV habang sakay ito ng isang bisekleta, kahapon ng umaga sa Makati City. Nakilala ang biktima na si Danilo Nietes, ng Zone 5 Signal­ Village, Taguig City. Naaresto naman ang driver ng nakabanggang Suzuki Vitara (UHZ-808) na si Margarita Isabel Bernardo, 22, ng Malibay, Pasay City.

Naganap ang insidente dakong alas-6:10 ng umaga sa kahabaan ng McKinley Road, ng naturang lungsod. Nabatid na papasok ng kanyang trabaho ang biktima lulan ng bi­sek­leta nang mabundol, pumailalim at magulungan pa ng naturang behikulo. Sinabi ni Bernardo na hindi umano niya napansin ang nag­bibisekletang biktima at nagulat na lamang siya nang kumalabog­. Agad naman siyang huminto kaya natuklasan ang biktima.    

Show comments