^

Metro

Gas pipeline nalagay sa panganib sa sunog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nalagay sa panganib ang gas pipeline ng First Philippine Industrial Corporation (FPIC) sa posibleng malaking pagsabog makaraang isang sunog ang sumiklab sa isang hardware store may 200 me­tro ang layo sa lugar ng tagas sa Brgy. Bangkal, Makati City kamakalawa ng gabi.

Masuwerteng hindi kuma­lat ang apoy dahil sa firewall nang natupok na Irwin hardware store na nasa panulukan ng Evangelista St. at EDSA, sa naturang barangay.

Nabatid na sumiklab ang apoy dakong alas-6:25 ng gabi kung saan umabot ang sunog sa ikatlong alarma. Pasado alas-8 na ng gabi nang maapula ng mga pamatay-sunog ang apoy. Wala namang na­iulat na nasaktan sa naturang insidente.

Personal pang tinungo ni Makati Mayor Junjun Binay ang lugar ng sunog makaraang mabalitaan na malapit lamang ito sa West Tower Condominium na unang nadiskubre ang tagas sa pipeline.

Naging kampante naman ang alkalde na hindi lalala ang sitwasyon dahil sa may kala­yuan umano ang 200 metrong distansya ng sunog sa naturang condominium building.

Matatandaan na noong nakaraang Disyembre, ipinag­bawal ng pamahalaang lung­sod ng Makati ang pagpapaputok sa bisinidad ng pipeline dahil sa pangamba na magkaroon ng malakas na pagsabog dahil sa singaw ng gas na umakyat na sa hangin. (

vuukle comment

BANGKAL

BRGY

DISYEMBRE

EVANGELISTA ST.

FIRST PHILIP

INDUSTRIAL CORPORATION

IRWIN

MAKATI CITY

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

WEST TOWER CONDOMINIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with