2 holdaper todas sa shootout

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang da­lawa sa apat na holdaper ng isang pampasaherong dyip makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis-Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga napatay na sina Eduardo Delmo, 25, ng Port Area, Maynila, at Alexander Aquino, 36, samantalang da­lawang kasamahan nila ang nakatakas.

Narekober sa mga nasawi ang dalawang paltik na baril na gamit nila sa panghoholdap.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi makaraang holdapin ng apat na suspect ang PUJ (DHV-780) na minamaneho ni Arturo Taguiso, sakay ang pitong pasahero sa kahabaan ng Laon Laan at Asturias St., Sampaloc, Maynila­.

Namataan naman ng nag­papatrulyang mga tauhan ng MPD-station 4 ang nagaganap na holdap at habang pababa ng dyip ang mga suspect ay napuna ng mga ito ang paglapit ng mga pulis na agad na pinaulanan ng putok ng baril.

Dahil dito napilitan umano ang mga pulis na gumanti ng putok kung saan agad na bumulagta ang dalawa, habang nakatakas ang mga kasamahan ng mga ito.

Show comments