Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Nakagapos ang kamay at may mga tama ng bala sa ulo, batok at likod nang matagpuan ang isang hindi nakikilalang lalaki sa tambakan ng basura sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Isinalarawan lamang ng awtoridad ang biktima sa edad na 25-30, nakasuot ng shorts na maong at may tattoo na Ronnie sa kaliwang balikat. Sinasabing bago ang insidente, pasado alas-3 ng madaling-araw ay nakarinig umano ng mga putok ng baril ang mga residente sa paligid ng Jordan Heights Subdivision, Jordan Village, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches sa lungsod, kinaumagahan na nang makitang nakasubsob sa basurahan ang biktima.

Ayon sa pulisya, nakikita umano ng mga residente na madalas nakatambay sa Brgy. Capri ang biktima pero hindi nila alam ang pagkatao nito.

Show comments