MANILA, Philippines - Hinaydyak sa ikatlong pagkakataon ang isang kompanya na nagdedeliber ng sigarilyo ng posibleng iisang grupo at ang pinakahuli ay kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Dakong alas-11 ng gabi nang marekober ang inabandonang L-300 aluminum van na kulay puti ( XFE-715) at pag-aari ng IDS Philippines sa Madre Ignacia St., San Andres Bukid, Malate, Maynila.
Sa imbestigasyon, ang kahung-kahong sigarilyo na hindi pa batid ang halaga ay hinaydyak ng mga suspect habang nakatakda itong ideliber umano sa isang lugar sa Makati City.
Ayon pa sa imbestigador, tulad ng insidente ng hijacking sa nasabing kompanya na natangayan din ng delivery nilang sigarilyo noong nakalipas na Marso 28. Narekober na lamang ang van at wala nang laman na inabandona sa erya ng Malate, Maynila dakong alas-2 ng hapon subalit sa bahagi ng Makati City isinagawa ang hijacking.
Hawak na rin umano ng Makati Police o Southern Police District (SPD) ang imbestigasyon.