SPO2 Gregorio Mendoza tugis
MANILA, Philippines - Target na naman ng manhunt operation si SPO2 Gregorio Mendoza, ang kapatid ng Quirino Grandstand hostage-taker na si Senior Inspector Rolando Mendoza, na kabilang sa sampung nasawi sa madugong insidente noong Agosto 23, 2010.
Kinumpirma ni C/Insp Edgardo Carpio, hepe ng Manila Police District-Warrant Section, na nag-isyu muli ng warrant of arrest laban kay SPO2 Mendoza, dating nakatalaga sa Manila Traffic Bureau si Manila RTC Judge Albert Tenorio Jr. ng Branch 14 matapos hindi umano ito lumutang sa hearing.
Nabatid na team lider sa pagtugis kay Mendoza si Insp. Fred Ramos, na pinakahuli umanong pinuntahan ang bahay ng mga magulang ni Mendoza sa Brgy. Banadera, Tanauan, Batangas.
Ito’y dahil hindi umano natagpuan si Mendoza sa kanyang tinutuluyan sa Oroquieta St., sa Sta. Cruz, Maynila at sa bahay nito sa Fairview, Quezon City.
Ang warrant of arrest ay kaugnay sa kasong Serious Illegal Detention at Conspiracy kaugnay sa naganap na hostage- taking noong Agosto 23, 2010 sa Luneta Grandstand na ikinasawi rin ng may siyam na Hong Kong nationals.
Sakaling madakip si Mendoza, maaari rin siyang mapalaya pansamantala kung maglalagak siya ng piyansang P200-libo.
- Latest
- Trending