^

Metro

Kotse inabandona sa MPD compound

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Palaisipan ngayon kung sino ang nag-iwan at kung bakit sa loob mismo ng Manila Police District (MPD) Headquarters inabandona ang isang Honda Civic kamakalawa pa ng umaga sa United Nation Avenue, Ermita, Maynila.

Ang sasakyang Honda (VDW 974) na kulay gray ay napag-alamang  pag-aari ng isang nagnga­ngalang Grace Castro ng Naga City batay na rin sa record ng LTO ay iniwan kamakalawa pa sa loob ng MPD headquarters. Marumi ito, may mga gasgas sa kaliwang bahagi, flat ang isang gulong sa kanang harap at nakabalagbag pa ang pagkaparada sa harapan ng nasabing opisina ng mga pulis.

Nabatid na walang nakapansin kung sino nag-iwan sa nasabing kotse sa naturang opisina.

Dahil dito, tinungo ng bomb squad upang mabuksan ang nasabing kotse at malaman kung ano ang nasa loob nito para mapanatag na rin ang ilang mga miyembro ng media.

Sa ngayon ay pilit pa ring inaalam ang iba pang impormasyon upang matunton ang may-ari nito dahil hirap pa rin ang MPD na mabuksan ang pintuan ng kotse. Palaisipan din kung bakit hindi pa rin lumulutang ang may-ari ng nasabing kotse.

vuukle comment

DAHIL

ERMITA

GRACE CASTRO

HONDA CIVIC

MANILA POLICE DISTRICT

NAGA CITY

PALAISIPAN

UNITED NATION AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with