Rider sinagasaan nang nakaalitang bus driver

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider makaraang sagasaan ng isang bus driver na­ kanyang nakatalo kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Stephen Bacani, 27, ng Block 9, Lot 1, Asamba compound, Si­tio­ Mendez, Brgy. Baesa sa lungsod.

Ayon sa ulat sumuko naman ang driver ng bus sa Sta Maria Bulacan PNP matapos taka­san ang biktima. Ito ay kinilalang si Anthony Roa­diel, 28, ng   Brgy. Balasig, Sta. Maria Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may Edsa, partikular sa Fema Road, Brgy. Bahay Toro ganap na alas-6:45 ng gabi.

Sinasabing tinatahak ng minamanehong bus ni Roadiel na may biyaheng Baclaran-Me­trolink ang naturang lugar nang masagi nito ang minamanehong mo­torsiklo (UC-5369) ng biktima.

Kapwa bumaba sa kanilang mga sasak­yan ang dalawa at nag­karoon umano ng komprontas­yon. Ilang sandali pa habang nasa harap umano ng bus ang biktima ay suma­kay ang suspect sa bus saka pinaandar ito at sinagasaan ang biktima, saka tumakas.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima subalit hindi na rin nai­salba ang buhay nito.

Samantala, itinatanggi naman ni Roa­diel na nagkaroon sila ng komprontasyon ng biktima bago ang insi­dente at isa lamang itong aksidente, pero ayon sa mga awtoridad ay hinihintay pa nila ang testigong magpapatunay sa naturang alegasyon.

Show comments